What is Stock Market?
Paunang sulyap sa mundo ng mga sapi
Ano nga ba ang stock market?
Baka naman maubos ang pera ko diyan.
Hindi ko alam yan.
Hindi ko yata kaya iyan.
Paano ang pasikot sikot sa mundong ito?
Ikauunlad ko ba 'yan?
Pang mayaman lang yan!
Mukhang hindi ko kaya, mahirap yata iyan.
Paano ba ako kikita dyan?
Gusto kong matuto nito pero hindi ko alam kung paano.
Pang mayaman lang yan!
Mukhang hindi ko kaya, mahirap yata iyan.
Paano ba ako kikita dyan?
Gusto kong matuto nito pero hindi ko alam kung paano.
Hindi totoong mahirap pag-aralan ang stock market.
Hindi totoong pang mayaman lang ito, at higit sa lahat,
Hindi totoong HINDI MO KAYA.
Iniisip mo lang na hindi mo kaya, kasi TAKOT KA, Iniisip mo lang na hindi mo kaya, kasi TAMAD KA, at iniisip mo lang na hindi mo kaya kasi BIKTIMA KA-biktima ng sistema ng lipunan, biktima ng tradisyunal na pag-iisip ng normal na pilipino na huwag lumabas sa kahon na iyong kinakukulungan.
GET OUT OF YOUR COMFORT ZONE MAN!
GET OUT OF YOUR BOX!
Kaya mo! Just believe in your yourself! Kaya mo!
Well, to answer the question directly, madali lang naman talaga ang stock market, marami lang talagang taong takot at ayaw mag-explore sa mga bagong bagay, mga bagong oportunidad na nandyan lang sa paligid nila, mga bagong paraan to become wealthy. Nasabi ang salitang bago, just to be honest, ang stock market ay hindi na bago, panahon palang ng mga magulang natin, nandyan na 'yan. Panahon palang ng mga magulang ng magulang natin, nandyan na 'yan. Panahon palang ng magulang ng mga magulang ng magulang natin, nandyan na 'yan. and I am assuring you! maging magulang man tayo, nandyan pa rin 'yan!
Did you see the picture above?
Did you see the picture above?
That's how I can describe the Philippine stock market visually,
P.A.L.E.N.G.K.E.
Technically speaking para lang siyang isang palengke, iba't ibang paninda, iba't ibang produkto, iba't ibang presyo, may mga tindero't tindera, may mga namimili, tawaran dito, tawad dyan, kapag hindi nagkasundo sa presyo lipat sa kabila, kapag mahal naman lipat uli sa kabila, at kapag hindi talaga kaya, umuwi ka nalang bes, haha lol :P . Mga pangunahing pangangailangan ng tao ang karaniwang makikita dito, prutas, gulay, isda, toyo, mantika, munggo, at iPhone7 (mema lang haha). Pero sa stock market, sa halip na mga ganitong uri ng produkto ang makikita mo, shares of stocks ng mga malalaki, pinakasikat at mga kilalang kumpanya dito sa pilipinas ang maaari mong bilhin at ibenta,
Below are some of the logos of different Philippine companies that are publicly listed on PSE for stock market investing and trading.
Maaari mong maging kasosyo sa negosyo ang mga pinakatanyag na negosyante dito sa pilipinas kapag may hawak kang shares ng stocks nila, you're a part owner na ng company if you have their shares. Dito sa stock market, Buy and Sell business kumbaga. Bibili ka sa mababang presyo, ibebenta mo ng mas mahal, sa ganoong paraan, kikita ka na. Minsan ikaw ang tindero (Seller) at kung minsan naman ikaw ang mamimili (Buyer). Sa pagpasok mo sa mundo ng mga sapi, mas magiging aware ka sa mga nangyayari sa paligid mo, mas matututo ka sa negosyo at sa pagbaba at pag-angat ng ekonomiya ng pilipinas.
O ano, kamusta?
Medyo may ideya ka na ba?
Nagsisimula na bang magkaroon ng linaw at kasagutan ang ilan sa iyong mga katanungan?
O ano, kamusta?
Medyo may ideya ka na ba?
Nagsisimula na bang magkaroon ng linaw at kasagutan ang ilan sa iyong mga katanungan?
Panimula palang yan! Sabay-sabay pa nating papasukin at aalamin ang mga bagay-bagay sa likod ng pangangalakal sa mundo ng mga sapi.
Don't hesitate to post your questions, suggestions and comments below! :)
also, kung may natutunan ka, i-share mo naman sa friend mo bes!, para sipagin naman akong magsulat. hehe joke. :)
'til my next blog everyone!
May your trades be great!
-TheEngineerTrader


